UST tumatag sa unahan

Pinigilan ng University of Santo Tomas ang pagbangon ng Ateneo upang malusutan ito sa pamamagitan ng 25-15, 25-23, 27-29, 23-25, 15-12 tagumpay upang ipormalisa ang pag-angkin sa top spot ng Final Four sa pagsasara ng Shakey’s V-League second conference elims sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Tumirada si Aiza Maizo at guest player Mary Jean Balse sa pagbibigay ng crucial kills sa deciding set upang iselyo ang panalo sa dalawang oras na bakbakan at ibigay sa UST ang 6-1 baraha.

Naghanda ang San Sebastian College para sa kanilang Final Four clash laban sa La Salle matapos ang inaasahang sweep laban sa St. Benilde Blazers, 25-17, 25-21, 25-15.

Nagtulong sina Laurence Ann Latigay at Analyn Joy Benito sa 32 hits habang nagdagdag si Rysabelle Devanadera ng nine points para sa Lady Stags na kumopo ng No. 2 spot sa semis sa kanilang 5-2 card.

Nagtapos ang La Salle at Adamson na may 5-2 slates sa event na hatid ng Shakey’s Pizza ngunit nagkasya ang Lady Archers at Lady Falcons sa Nos. 3 at 4, ayon sa pagkakasunod base sa FIVB quotient system.

Show comments