^

PSN Palaro

Magandang puwesto asam ng UST at SSC

-

Dahil kumpleto na ang cast ng semifinalists, sisikapin na lang ng University of Santo Tomas at San Sebastian na mamili ng kanilang ranking sa Final Four sa magkakahiwalay nilang laban sa pagsasara ng elimination sa Shakey’s V-League sa second conference sa The Arena sa San Juan City.

Ang Tigresses na tangka ang No. 1 spot sa kanilang pakikipaglaban sa Ateneo Lady Eagles sa main game sa alas-4 ng hapon, ay umaasam ng ikaanim na panalo laban sa isang talo sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang Lady Stags, na nakuha ang ikaapat at huling semis berth sa panalo nila sa Adamson noong nakaraang Linggo, ay makikipaglaban sa St. Benilde Lady Blazers sa alas-2 ng hapon na may option na magtapos sa posibleng No. 2 sa kanilang laban ng La Salle Lady Archers o No. 4 para sa pakikipagharap sa Tigresses.

Ang tagumpay ng UST at San Sebastian ay magbibigay sa Tigress ng No. 1 sa Final Four at katabla ng Lady Stags ang Archers at Falcons sa 5-2.

Ang triple tie para sa second ay mareresolba naman ng FIVB quotient system. Ang straight set na panalo ng SSC ay magbibigay sa Stags ng No. 2 spot para makalaban naman ang Archers sa semis at babagsak naman ang Adamson sa No. 4 para sa duel naman sa UST.

Ngunit kapag nanalo ang SSC sa apat o limang sets, ang semis pair ay malamang na UST vs San Sebastian at La Salle vs Adamson.

At kapag nagkaganito, aasahan ang kapana-panabik na Final Four action, na isang pares ng best of three affairs, sa apat na koponan ng ligang inorganisa ng Sports Vision.

ADAMSON

ANG LADY STAGS

ANG TIGRESSES

ATENEO LADY EAGLES

FINAL FOUR

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY STAGS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with