Bobby Pacquiao mauunang isasalang

Bago si Manny Pacquiao ang kanyang nakababatang utol munang si Bobby ang makikita sa aksyon.

Nakatakdang sagupain ng 28-anyos na si Bobby si Robert Frankel ng Denver, Colorado sa isang non-title 10-round lightweight bout sa Nobyembre 20 (US time) sa HP Pavilion sa San Jose, California.

Ibabandera ni Bobby ang kanyang 29-14-3 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KO’s, samantalang iaakyat ni Frankel ang 25-9-1 (2 KO’s). Kumpiyansa si American trainer Freddie Roach na si Bobby, tinaguriang ‘The Sniper,’ ang mananalo.

Si Bobby ang kasalukuyang lightweight champion ng WBO Asia Pacific at dating naghari sa WBC InterContinental.

Nanggaling si Bobby sa isang eight-round TKO kay Decho Bankluaygym ng Thailand kamakailan. Title bid ang hanap ni Bobby na natalo kina Mexicans Humberto Soto (45-7-2, 29 KO’s) at Hector Velasquez (50-12-2, 35 KO’s). (RC)

Show comments