Hapee, Magnolia wagi

Kasabay ng pagbangon ng Complete Protectors mula sa una nilang kabiguan, sinikwat naman ng Wizards ang kanilang ikalawang sunod na pa-nalo para makisalo sa liderato.

Tinalo ng Magnolia Purewater ang Toyota Otis, 77-65, samantalang iginupo naman ng Hapee Toothpaste ang Burger King, 91-76, sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup ka-hapon sa Emilio Aguinal-do College gym sa Taft Avenue, Manila.

“I’m happy with our start right now, but I hope we can still improve, especially when it comes to taking care of the ball,” wika ni coach Koy Banal sa Wizards, nakahugot ng 20 puntos kay Al Magpa-yo, 18 kay Dylan Ababou, 13 kay JP Alcaraz at 10 kay Neil Raneses.

Buhat sa 35-38 agwat sa first half, sumandal ang Magnolia kina Magpayo at Ababou upang agawin sa Toyota Otis ang 63-55 bentahe sa huling 6:17 ng fourth quarter.  

Naglista naman si Fil-Am Josh Vanlandingham, produkto ng Pacific Lu-theran College sa US NCAA Division II, ng perpektong 4-of-4 shooting clip sa three-point line para sa 1-1 baraha ng Complete Protectors kagaya ng Whoppers.

 Ang huling tres ni Van-landingham ang nagtarak sa pinakamalaking benta-he ng Complete Protectors sa 82-61 sa 8:03 ng final canto.

(RCadayona)

Show comments