^

PSN Palaro

Pacman may respeto sa kalaban

-

Sa kabila ng pagiging isa sa mga pinakapopular na professional boxer, respeto pa rin ang ibinibigay ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa kanyang mga kalaban.

Sa kanyang non-title welterweight fight kay Oscar Dela Hoya, sinabi ni Pacquiao na igagalang niya ang pagkilala kay ‘Golden Boy’ bilang isang world six-division champion at gold medalist sa 1992 Barcelona Olympic Games. 

“I respect all of my opponents. I think Oscar is a great fighter who has defeated many champions,” wika ng 29-anyos na si Pacquiao sa 35-anyos na si Dela Hoya. “Defeating Oscar De La Hoya - the Golden Boy - will mean so much for my country.”

Nakatakda ang ‘Dream Match’ nina Pacquiao at Dela Hoya sa Disyembre 6 (US time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Halos 85 porsiyento nang handa si Pacquiao, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) lightweight titlist, mula sa kanyang mga sparring sessions kina light middleweight Rashad Holloway, light welterweight Marvin Cordova, Jr. at lightweight Amir Khan.

Matapos ang open workout ni Dela Hoya kamakailan sa kanyang training camp sa Big Bear sa California, nakatakda namang gawin ito ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California sa Nobyembre 17.

Samantala, plano na-man ni Mexican four-division king Erik Morales na bumalik sa boxing scene sa paghahamon kay light-weight Juan Manuel Marquez at hindi sa kanyang karibal na si Marco Antonio Barrera.

“People have seen Morales-Barrera, Barrera-Pacquiao, Morales-Pacquiao and Barrera-Marquez. The only thing missing is Morales-Marquez,” wika ng 32-anyos na si Morales, natalo sa kanyang huling apat na laban, kabilang na ang dalawa kay Pacquiao at isa kay David Diaz.  (Russell Cadayona)

AMIR KHAN

BARCELONA OLYMPIC GAMES

BIG BEAR

DAVID DIAZ

DEFEATING OSCAR DE LA HOYA

DELA HOYA

DREAM MATCH

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

GOLDEN BOY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with