^

PSN Palaro

Magnolia nakalusot sa OT

-

Sumandal ang Magnolia Wizards kina Dylan Ababou at Yuri Escueta upang makabangon mula sa 16-point deficit ang Magnolia tungo sa 88-80 overtime win kontra sa Pharex Generix sa pagpapatuloy ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup kahapon sa Arellano University Gym sa Legarda, Manila.

Tumapos si Ababou, ng 19 puntos na pinarisan ni Eder Saldua kasunod si JP Alcaraz na may 15-puntos para sa 1-0 rekord ng Wizards.

Nagsumite naman ang 5’8 na si Escueta ng 10 mahahalagang puntos bukod pa sa 5-rebounds, 3 assists at 5 steals.

Naglaho ang 51-35 kalamangan ng Generix nang agawin ng Magnolia ang kalamangan sa 76-74, sa huling 11.6 segundo sa final canto.

Ang dalawang freethrows ni Ian Saladaga ang nagtabla ng iskor sa 76-76 para makahirit ang Pharex ng overtime ngunit umabante ang Magnolia ng 10-puntos 88-78 sa extra period at di na lumingon pa.

ABABOU

ALCARAZ

ARELLANO UNIVERSITY GYM

DYLAN ABABOU

EDER SALDUA

FLEX LINOLEUM CUP

IAN SALADAGA

MAGNOLIA WIZARDS

PHAREX GENERIX

YURI ESCUETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with