^

PSN Palaro

Air21 walang balak tigilan si Barrios

- Mae Balbuena -

Sinuspindi ng Philippine Basketball Association (PBA) ang isang referees na nag-officiate sa kontrobersiyal na laban ng Air21 at San Miguel ngunit hindi pa rin ito sapat para manahimik ang Express team manager na si Lito Alvarez.

Suspindido si referee Mario Montiel ng indefinite dahil siya ang pinakamalapit na opisyal sa pinangyarihan ng kontrobersiyal na tres ni Ranidel de Ocampo na sana ay nagpanalo sa Air21 ngunit na-count lamang ito ng dos.

Tutol ang Express sa desisyon ni Barrios na ibasura ang kanilang pagprotesta sa double-overtime win ng Beermen noong Nov. 5, 130-129.

Kung hindi ito mababago, nakahanda si Alvarez na isangkot ang Games and Amusement Board para resolbahin ang isyu.

Ayon sa statement ni Barrios sa basket ni De Ocampo, “ It did not decide the outcome of the game, and the turn of events made the game go into a second overtime period and provided Air21 with five more minutes to recover from the negative effects of the error.”

Nakatakdang umapela si Alvarez kay Barrios para baguhin ang kanyang desisyon at pagbigyan ang kanilang hiling na replay ng naturang laban.

““His decision (to junk the protest) was definitely unfair. “I will first appeal to him (Barrios), then to the board if nothing happens. And if worse comes to worst, I will involve the GAB (Games and Amusements Board) because they have jurisdiction over the PBA.”

ALVAREZ

AYON

BEERMEN

DE OCAMPO

GAMES AND AMUSEMENT BOARD

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

LITO ALVAREZ

MARIO MONTIEL

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with