^

PSN Palaro

La Salle binigo ng Adamson

-

Patuloy sa pananalasa ang first conference champion Adamson nang kanilang pabagsakin ang three-time winner La Salle sa pamamagitan ng 25-20, 25-18, 25-23 panalo kahapon upang makopo ang Shakey’s V-League second conference sa The Arena sa San Juan City.

Muling nagpamalas ng impresibong laro si MVP Nerissa Bautista para sa Adamson na nakaasa rin sa kanilang mga rookies tungo sa kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos mabigo sa kanilang opening game sa eight-team field ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Nalasap ng La Salle ang ikalawang sunod na talo matapos ma-sweep ang kanilang unang apat na laro na dahilan ng kanilang pagkalaglag sa ikalawang posisyon sa likod ng 4-1 kartada ng Adamson na umantala sa kanilang inaasam na pagpasok sa semifinals.

Nagposte si Bautista ng 22 hits, kabilang ang 19 kills, habang nagdagdag naman si Angela Benting ng 15 points para sa Adamson na nakakuha rin ng 10-point mula kina Paulina Soriano, produkto ng Rondon High School-QC., at Angelica Quinlog ng Antipolo.

Sa ikalawang laro, nakalusot naman ang Lyceum laban sa St. Benilde, 25-14, 25-18, 25-23 para makopo ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-3 start.

vuukle comment

ADAMSON

ANGELA BENTING

ANGELICA QUINLOG

KANILANG

LA SALLE

NERISSA BAUTISTA

PAULINA SORIANO

RONDON HIGH SCHOOL

SAN JUAN CITY

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with