May 40 na baguhang cagers ang masisilayan sa PBL

May kabuuang 40 na baguhang players ang masisilayan sa 2009 PBL PF Flex Linoleum Cup na magsisimula bukas sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, ayon kina PBL chairman Dr. Mikee Romero at PBL Commissioner Chino Trinidad.

Nangunguna rito ang Fil-American na si Chris Ross, ang No. 1 pick sa nakaraang rookie draft na magdedebut para sa Pharex Medics na nakatakdang magbukas ng kanilang kampanya laban sa bigating defending champion Harbour Centre na naghahangad ng kanilang ikaanim na sunod na titulo.

“This is perhaps the biggest entry of rookies in the league, so we are rolling out the red carpet for them,” ani Trinidad. “As I said before, the PBL will always be here to help nurture talents of the players.”

Inaasahang susunod si Ross, galing sa Narshall University sa Texas na miyembro ng US NCAA Division I, sa yapak nina Fil-American Gabe Norwood at Fil-Puerto Rican Sol Mercado na pareho na ngayong namamayagpag sa pro league. (Mae Balbuena)

Show comments