BACOLOD CITY — Isa namang kapana-panabik na aksiyon sa bilyaran ang matutunghayan sa pagtatanghal ng First Senate President Manny Villar Cup ng may dayuhan sa ikalimang yugto na gaganapin sa Nobyembre 13-16 sa Garden Royal Function Hall ng Goldenfields Commercial Complex.
“We want to make this tournament even more competitive, more challenging to our top players, while giving our young players the experience of playing in the international level,” ani Senate President Manny Villar sa press launch kahapon sa Goldenfields’ Garden Royal.
Babanderahan ni dating World Cup of Pool titlist Fu Jianbo ng China ang mga dayuhan na makikipaglaban sa may 24 local bets para sa titulo at premyong $15,000 top prize sa torneong ito na inorganisa ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) sa kooperasyon ng city government ng Bacolod ni Mayor Evelio Leonardia at Negros Billiards Stable (NBS) ng negosyanteng si Jonathan Sy, isponsor ng Camella Communities.
Bukod kay Fu ang iba pang dayuhang kasali ay sina Satoshi Kawabata ng Japan at Christian Johannessen ng Norway.