Pacquiao suportado ng mga Mexicans
Kagaya ng naunang inihayag nina trainer Freddie Roach at Bob Arum ng Top Rank Promotions, si Manny Pacquiao ang susuportahan ng mga Mexicans at hindi si MexicanAmerican Oscar Dela Hoya.
Pinatotohanan ito ni Mexican world middleweight champion Julio Cesar Chavez Jr. sa pagsasabing ang 29anyos na si Pacquiao, nakilala sa paggulpi kina Mexican boxing greats Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez at Oscar Larios, ang kakampihan ng mga Mexicans fans at hindi ang 35anyos na si Dela Hoya.
“People say it’s a crazy fight, but, honestly, from a fighter’s pointofview, I think Dela Hoya is going to have a very tough time with Pacquiao,” ani Chavez. “He can win the fight, but my money is on Pacquiao. All the Mexicans are backing up Pacquiao.”
Nakatakda ang nasabing nontitle welterweight fight nina Pacquiao at Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ang ama ni Chavez, may 3801 winlossdraw ring record kasama ang 29 KOs, na si Mexican boxing legend Julio Cesar Chavez ay nauna na ring kumampi kay Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) lightweight champion.
Tinalo ni Dela Hoya si Julio Cesar Chavez, Sr. noong Hunyo 7 ng 1996 via third round TKO para sa WBC light welterweight championship kasunod ang kanilang rematch noong 1998 kung saan mahina na ang Mexican boxing great patungo sa eightround stoppage ni “Golden Boy”.
Ang nasabing pambubugbog ni Dela Hoya at kawalan ng respeto kay Chavez, nagtumpok ng 10762 (86 KOs) card, ang naging dahilan ng galit ng mga Mexicans sa una.
Ito rin ang sinasabi nina Roach at Arum na magbibigay kay Pacquiao ng lakas ng loob para talunin si Dela Hoya, ang 1992 Barcelona Olympic gold medalist. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending