^

PSN Palaro

Pinoy cue artists ibabangon ang pangalan ng Pinas

-

Matapos na mabigong manalo ng kahit anong world title ngayong taon, magsasama-sama ang mga pangunahing Pinoy artists na mapanatili ang pagkakakilala sa kanila bilang pinakamahusay na billiards-playing nation sa kanilang pagtanggap sa hamon mula sa piniling pangunahing international pool stars sa pagtatanghal ng Q.C. Invasion: Quezon City-Philippines vs the World Grand Billiards Showdown na nakatakda sa December 2-4 sa Trinoma Mall sa Quezon City.

“We may not have a reigning world champion now, but we, still, are the best in the sport, and that we will prove in this tournament,” ani Alex Pagulayan, na isa sa walong hometown bets sa inaabangang torneo.

Makakasama ni Pagulayan sa Team Quezon City-Philippines sina dating world champions Efren “Bata” Reyes at Ronnie Alcano, kasalukuyang world no.1 Dennis Orcollo, Francisco “Django” Bustamante, 2007 World Pool runner-up Roberto Gomez, at Southeast Asian Games multi-gold medalists Warren Kiamco at Lee Van Corteza.

Makakalaban nila ang Team World na babanderahan ni newly-crown US Open champion Mika Immonen ng Finland kasama sina dating world titlists Thorsten Hohmann ng Germany, Wu Chia-ching ng Chinese-Taipei at Shane van Boening ng United States, at maging sina World Cup of Pool winner American Rodney Morris at kababayang si Charlie Williams, at Fu Jianbo ng China. Inaasintang ikawalong member si Newly-crowned Guinness 9-Ball Tour Grand Finals champion Yang Ching-shun.

ALEX PAGULAYAN

AMERICAN RODNEY MORRIS

BALL TOUR GRAND FINALS

CHARLIE WILLIAMS

DENNIS ORCOLLO

FU JIANBO

LEE VAN CORTEZA

MIKA IMMONEN

QUEZON CITY

QUEZON CITY-PHILIPPINES

WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with