Macapagal nagsumite na ng kandidatura
Isang ‘performing team’.
Ito ang siyang paglalarawan ni shooting association chief Art Macapagal sa kanyang pormal na pagsusumite ng certificate of candidacy kahapon para sa presidential race ng Philippine Olympic Committee (POC).
“If given the chance to serve, we will do so with dedication and real commitment,” sabi ni Macapagal, ang halfbrother ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. “We will set our sights far into the future and do whatever it takes to lift Philippine sports.”
Nakatakdang hamunin ni Macapagal ng Philippine National Shooting Association (PNSA), si incumbent president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. ng Philippine Equestrian Federation (PEF) sa POC presidential derby sa Nobyembre 28.
Nasa kampo ni Macapagal sina Robert Aventajado ng taekwondo (chairman), Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino ng chess (1st vicepresident), Pablito Araneta ng football (2nd vice-president), Romeo Ribano ng squash (treasurer), Tom Carrasco ng triathlon (secretary-general), Judith Hakim ng traditional boat race (auditor) at sina Claudio Altura ng board-sailing, Pete Mendoza ng volleyball, Hector Navasero ng baseball at Jeffrey Tamayo ng soft tennis (Board). (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending