7 UE Warriors babandera sa Bacchus
Sa pagpasok ng pitong manlalaro mula sa University of the East, inaasahan ng Bacchus Energy Drink na maalis na ang tag nila bilang underdog sa pagdribol ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Nov. 8 sa Ynares Sports Center sa Pasig.
“We hope the chemistry of my players from UE will rub off on other players of the team,” wika ni coach Lawrence Chongson. “We’re doing everything to jell early so that we can be a challenger this time.”
Babandera sa koponan sina Red Warriors Hans Thiele, Mark Falmpulme, Parri Llagas, James Martinez, Rudy Lingganay, Paul Lee at Val Acuna lahat beterano ng liga maliban sa huling tatlong players.
At sa tatlo, inaasahang mas mabibigyan ng quality time si Lee na isang mahusay na guard at banta rin sa opensiba.
“They have the experience of playing together so that’s going to be a plus factor for us,” ani Chongson. “I can only hope that they can deliver and help their new teammates.”
Ang tanging natitira sa team na kulelat noong nakaraang kumperensiya ay ang dating slam dunk champion na si Rey Gueverra ng Letran. Ang mga bagong mukha ay sina Khalif Fortune, Mark Canlas, Orly Daroya, JJ. Colina at Rejan Lee ng La Salle.
Hindi tulad noong nakaraang kumperensiya, sinabi ni Chongson na may sorpresa sila ngayon.
Gayunpaman, ayaw ibunyag ng long-haired coach ang katauhan ng player na sinasabi niyang mabilis, at deadly.
“Just wait until our first game,” ani Chongson.
At bagamat maikli lang ang oras mula ngayon, nananatiling kumpiyansa si Chongson sa kanilang tsansa at sinabing “We will use our patience, determination and speed to make up for our lack of height.”
“But we have to work doubly hard to be competitive enough,” wika ni Chongson.
- Latest
- Trending