^

PSN Palaro

La Salle vs Ateneo paiigtingin sa V-League

-

May ibang cast ng players, ibabalik ng La Salle at Ateneo ang kanilang rivalry sa ibang field ng labanan upang higit maging mainit sa kanilang paghaharap sa Shakey’s V-League second conference sa The Arena sa San Juan City ngayon.

Ang Lady Archers na wala pang talo sa tatlong panimula, ay magtatangkang patatagin ang kanilang kampanya sa Final Four sa single round robin elims kontra sa Lady Eagles sa alas-4 ng hapong tampok na laro.

Muling sasandalan ng Lady Archers si Stephanie Mercado, anak ni dating Asian track and field queen Lydia de Vega-Mercado, na humakot ng 15 hits sa panalo ng De la Salle sa Lyceum Lady Pirates, 25-18, 25-15, 25-20, noong linggo sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Sa kabilang dako, asam naman ng San Sebastian ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos matalo sa La Salle sa kanilang pakikipagharap sa wala pang panalong Lyceum sa alas-2 ng hapon.

Para sa updates at resulta bisitahin ang website ng liga sa www.v-league.ph. Ang nasabing liga ay suportado din ng Active White skin whitening products, Mikasa at Accel.

Samantala, ang SSC-Lyceum game ay ipapalabas sa NBN-4 bukas ng alas-2 ng hapon (Miyerkules) na may replay sa Viva Prime Channel sa Destiny Cable at Makisig Channel on Sky Cable. Ang La Salle-Ateneo naman ay mapapanood sa Huwebes. 

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ANG LA SALLE-ATENEO

ANG LADY ARCHERS

DESTINY CABLE

FINAL FOUR

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LYCEUM LADY PIRATES

MAKISIG CHANNEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with