^

PSN Palaro

LAGUNA, MUAY THAI NA

GAME NA! - Bill Velasco -

Ang Los Baños, Laguna ay kinikilala being “science city”, dahil dito nagmumula ang pagsisiyasat at pag-aaral ng siyensya. Lumalago rin ang siyudad dahil sentro ito ng kalakal. Subalit kaakibat ng kaunlaran ang maliliit din na krimen. Kabilang sa kadalasang nagiging biktima ng pagnanakaw ay mga doktor.

“After clinic, people know that doctors always have a lot of cash on them, especially at night,” paliwanag ni Dr. Vergel Eusebio, who owns hospitals in and around Los Baños. “So robbers usually just wait for them in parking lots, especially female doctors.”

Sa paghahanap niya ng ehersisyong nakakagana, natagpuan ni Eusebio ang kasagutan sa kanilang suliranin: muay thai.

“I was overweight, and wanted to do something that would also be more fun and dynamic,” sabi ng 52 anyos na pediatrician ng St. Jude Family Hospital. “I used to be really muscular. Then I got overweight. In just a few months of muay thai, I became much more fit than doctors 20 years younger.”

Sumali pa sa mga public demonstration si Eusebio at ilang kasama niyang nag-aaral ng muay thai. Noong una’y nahihiya sila, pero naglaho iyon nang dumami na ang sumubok at nawili sa muay thai.

Naisip din ni Dr. Eusebio na makakatulong ang sport sa kanilang problema. Sa tulong ng ilang kaibigan, inayos niya ang isang abandonadong gusali sa highway sa Los Baños, at itinatag ang St. Michael’s Sports Academy, kung saan itinuturo ngayon ang maraming martial arts, kasama siyempre ang muay thai.

“We in the local government have always supported sports endeavors by friends like Dr. Eusebio. Now, he’s also putting Los Baños on the map in terms of dynamic sports like muay thai,” dagdag ni city councilor Baby Sumangil-Evangelista.

Noong nakaraang Linggo, dumayo ang Philippine muay thai team, kabilang ang dalawang two bronze medallist sa world championships at dalawang babaeng bronze medallist mula sa Southeast Asian Games, upang magbigay ng demonstration sa pagpapasinaya ng St. Michael’s Sports Academy.

Namangha ang mga manonood, at natuwa naman ang pamunu-an ng sport sa ganda ng gym na may kasamang massage area, shower, at coffee shop.

“Now, we have a nice gym here in Los Baños,” sabi ni Muay thai Association of the Philippines (MAP) president Roberto Valdez. “Muay thai is now in five major cities in Laguna. We’ve already accredited their instructors, so it won’t be long before they can start joining national competitions.”

Salamat kay Dr. Eusebio, gaganda pa lalo ang kalusugan ng mga mamamayan ng Los Baños, at maipagtatanggol na ng mga doktor ang kanilang sarili’t mga mahal sa buhay mula sa mga masasamang loob.

ANG LOS BA

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DR. EUSEBIO

LOS BA

MUAY

SPORTS ACADEMY

ST. MICHAEL

THAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with