Kung marami ang naiintriga kung paano maglalaban ang isang 5-foot-6 na si Manny Pacquiao at ang 5’10 1/2 na si Oscar Dela Hoya, wala namang interes rito si dating world welterweight champion Miguel Cotto ng Puerto Rico.
Sinabi kahapon ni Cotto na ang Pacquiao-Dela Hoya non-title welterweight fight ay makakasira lamang sa kalidad ng world boxing.
“This is the kind of fight where you realize how boxing has fallen,” wika ng 27-anyos na si Cotto. ”The sport is in this place because of fights like this, because of fighters like Dela Hoya.”
Bago pa man maplantsa ang “Dream Match” nina Pacquiao at Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada ay hinamon na ni Cotto si “Golden Boy”. (Russell Cadayona)