^

PSN Palaro

3rd win target ng Lady Archers

-

Target ng De La Salle University na maayos ang pagbabalik bunga ng back-to-back na panalo, ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa kanilang pakikipaglaban sa Lyceum ngayon habang makakaharap naman ng Ateneo ang San Sebastian sa isa pang kapana-panabik na duelo sa Shakey’s V-League second conference sa Blue Eagle gym sa Ateneo.

Ang Lady Archers, na nagbalik para sa kampanya sa ikaapat na titulo sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza, ay nanaig sa FEU Lady Tams at Lady Stags upang maangkin ang solong pamumuno sa mahigpitang single round elims sa pagitan ng walong koponan.

Bahagyang pinapaboran ang Taft-based squad laban sa Lyceum sa kanilang pang-alas-7 ng gabing bakbakan dahil sa matinding lineup na kinabibilangan nina Jacq Alarca, Manilla Santos, Celine Hernandez, Charlene Cruz at Stephanie Mercado, na nagtala ng carer-high 19 hits nang magwagi ang La Salle sa three-time NCAA champion SSC, 18-25, 25-23, 25-18, 25-16, noong Biyernes.

Sa kabilang dako, hangad naman ng Ateneo ang kanilang ikalawang panalo kontra sa San Sebastian,para makabawi din sa kanilang kabiguan sa La Salle sa pangalas-5 ng hapong bakbakan.

Para sa updates at resulta, bisitahin ang kanilang website sa www.v-league.ph. Ang liga na inorganisa ng Sports Vision ay suportado din ng  Active White skin whitening products, Mikasa at Accel.

Samantala, ang SSC-Ateneo game ay ipapalabas sa NBN-4 simula alas-2 ng hapon bukas (Lunes) na may replay sa Viva Prime Channel sa Destiny Cable at Makisig Channel sa Sky Cable. Ang La Salle-Lyceum duel ay ipapalabas naman sa Martes.

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ANG LADY ARCHERS

ATENEO

BLUE EAGLE

CELINE HERNANDEZ

CHARLENE CRUZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

DESTINY CABLE

LA SALLE

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with