Nasa porma ang 5-man team Smart/PLDT boxing team na lalaban sa AIBA World Youth championships sa Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3 sa Avila Camacho Gymnasium sa Guadalajara, Mexico. Ito ang ipinahayag ni Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny T. Lopez kahapon.
‘‘Our boxers benefited a lot from the Havana experience. Cuban coach Dagoberto Scott and Pamisa told me that everything went well in Havana. Our boxers are ready to plunge into action,’’ said Lopez upon recieving an email from assistant coach Elmer Pamisa who is helping Cuban coach Dagoberto Rojas Scott in training the nationals in Havana, Cuba.
Suportado ng Philippine Sports Commission, ang team ay babanderahan nina lightflyweight Gerson Nietes, flyweight Welbeth Loberamis, featherweight Glicerio Catolico III, bantamweight Aston Francis Palicte at lightweight Rolando Tacuyan.
Ayon kay Lopez, tinapos na ng mga boksingero ang kanilang pagsasanay sa Cuba, Colombia, Ecuador at El Salvador.
Aalis ngayon ang koponan patungong Mexico City bago tumulak patungong Guadalajara.May kabuuang 359 boxers mula sa 68 bansa ang maglalaban-laban para sa medalya sa 11 weight categories sa torneong ito na kapalit ng the Junior World Championships na huling ginanap sa Agadir, Morroco noong 1979.