^

PSN Palaro

Coke ubos sa Realtors

- Mae Balbuena -

Nasubukan ng husto ang kakayahan ni Kenneth Duremdes sa kanyang unang araw bilang coach ng Coca-Cola Tigers.

Ngunit hindi pumabor sa Tigers ang ihip ng hangin sa mga krusyal na baskets para maitakas ng defending champion Sta. Lucia Realty ang 83-82 panalo sa kanilang dikdikang labanan sa pagpapatuloy ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Kinana ni Dennis Espino, tumapos ng 14-puntos ang huling limang puntos ng Sta. Lucia Realty tungo sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro.

Hawak na ng Tigers ang 82-78 kalamangan nang umiskor si Espino ng three-point play mula sa foul ni Nick Belasco upang ilapit ang iskor sa 80-81, 45 segundo.

Hindi naka-iskor ang Tigers sa kanilang posesyon matapos ang minadaling tira ni John Arigo.

Naagaw ng Realtors ang kalamangan nang umiskor si Espino ng quick basket mula sa inbound pass ni Denok Miranda nang malibre ito matapos magbanggaan ang dalawang Coke defenders na sina Ronjay Buenafe at Asi Taulava na nasprain kaya kinailangan itong ilabas, may 33.4 segundo pang nalalabi sa oras.

Nagkaroon ng tatlong pagkakataong maisubi ng Tigers ang panalo ngunit nagmintis ang mga pagtatangka sa tres nina Aries Dimaunahan, Mark Macapagal  ang huli ay kay Ryan Buenafe sanhi ng ika-apat na kabiguan ng Tigers sa limang laro.

Ayon kay team manager JB Baylon, wala silang balak sibakin si Binky Favis sa kampo ng Coke.

Nagleave si Favis dahil sa hindi pakikipag-unawaan sa mga players.

“I don’t see a need to rush any decision. I saw the team getting together,” ani Baylon. “Coach Binky is on leave, Kenneth (Duremdes) is the acting coach.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang magkapatid na kumpanyang Ginebra at San Miguel (3-1).

Magpapatuloy ang aksiyon sa Olivarez Gym College sa Paranaque sa pagsasagupa ng Purefoods at Rain or Shine.

ARANETA COLISEUM

ARIES DIMAUNAHAN

ASI TAULAVA

BAYLON

BINKY FAVIS

COACH BINKY

COLA TIGERS

DENNIS ESPINO

DENOK MIRANDA

LUCIA REALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with