^

PSN Palaro

Alcano, Luat umarangkada uli

-

Dinurog nina Ronnie Alcano at Rodolfo Luat ang kani-kanilang kalaban upang banderahan ang tatlo pang ibang Pinoy na umusad sa ikatlong round ng 33rd Annual US Open 9-Ball Championship sa Chesapeake Convention Center sa Chesapeake, Virginia.

Ipinakita ni Alcano ang kanyang pagiging kampeon makaraang durugin ang Amerikanong si Matt Clatterbuck, 11-4.

Sa kabilang dako, nasustina naman ni Luat ang kanyang mahusay na pagsargo at idimolisa si Don Polo, 11-2 para sa kanyang ikalawang sunod na panalo sa torneong ito na humatak ng kabuuang 238 players mula sa iba’t ibang bansa para sa prestihiyosong korona at premyong $40,000.

Nakasama nina Alcano at Luat na humakbang ng isang baitang patungo sa titulo sina Lee Van Corteza at Ramil Gallego at US-based veteran Jose “Amang” Parica.

Si Corteza na nakabye sa unang round, ay nanaig kay Abdulah El-Yousef, habang sinundan naman ni Gallego ang kanyang 11-3 panalo kay Sam Monday makaraang payukurin si Gabe Owen, 11-9. Tinalo naman ni Parica si Aki Heiskanen, 11-9.

Kasalukuyang naglalaro pa sina dating world no.1 Francisco “Django” Bustamante at four-time Southeast Asian Games gold medalist Warren Kiamco kontra kina Keith Brinton at Jason Klatt, ayon sa pagkakasunod, habang sinusulat ang balitang ito.

Hindi naman pinalad si Joven Alba, na natalo din sa opening round kontra kay Englishman Chris Melling, 11-9, na nalaglag sa loser’s bracket kung saan makakalaban niya si Willie Simpson.

Ang iba pang bigatin na lumusot sa ikatlong round sa winner’s side ay sina reigning world 9-ball champion Darryl Peach na ginapi si Nasser Al-misable, 11-7; dating world titlist Mika Immonen na nanaig kay Greg McAndrew, 11-0,; 4-time US Open winner Earl Strickland na namanayani kay Tariq Al-mulla, 11-5; world no.2 Niels Feijen na nanaig kay Josh Ulrich, 11-4; at Charlie Williams na pinayuko si Elias Patrikas, 11-1.

ABDULAH EL-YOUSEF

AKI HEISKANEN

ALCANO

BALL CHAMPIONSHIP

CHARLIE WILLIAMS

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

DARRYL PEACH

DON POLO

EARL STRICKLAND

ELIAS PATRIKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with