^

PSN Palaro

4th win asinta ng Beermen

-

Matapos mabigo sa kanilang season opening game, ang San Miguel Beer ang ikalawang pinakamainit na koponan ngayon matapos tuhugin ang tatlong sunod na panalo.

Tangka ng Beermen na pantayan ang apat na sunod na panalo ng league leader na Alaska Aces sa pagpapatuloy ngayon ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Makakasagupa ng Beermen ang kanilang kapatid na kumpanyang Barangay Ginebra sa tampok na laro ngayong alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng Coca-Cola at defending champion Sta. Lucia Realty na magbubukas ng aksiyon sa alas-5:00 ng hapon.

Nabigo ang Beermen sa kanilang debut game noong October 5 kontra sa Alaska, 84-85 ngunit pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang kanilang panalo kontra sa Purefoods, 111-98 noong October 10, Rain or Shine, 89-82 noong Oct. 15 at ang pinakahuli ay kontra sa Talk N Text noong Biyernes, 84-77.

Sa naturang panalo, sinayang ng San Miguel ang 16-puntos na kalamangan sa ikatlong quarter hinayaan nilang lumamang ang Phone Pals sa 71-68 sa kaagahan ng ikaapat na quarter bago iniligtas ni Jay Washington ang Beermen sa kapahamakan para ipalasap sa Talk N Text ang ikalawang sunod na talo.

Matapos ang dalawang impresibong panalo ng Gin Kings, nalasap nila ang kanilang kauna-unahang kabiguan, 94-100 pagkatalo kontra sa Red Bull na nakatikim ng kanilang unang panalo noong Linggo.

Hangad naman ng Realtors ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos makabawi sa kanilang kabiguan sa kanilang debut game sa season na ito sa pamamagitan ng pagposte ng dalawang sunod na tagumpay.

Natalo ang Realtors kontra sa Ginebra, 86-89 noong October 8 ngunit tinalo nila ang Talk N Text, 117-96 at Purefoods, 69-66 sa Panabo, Davao City noong Sabado.

Nasa tuktok ng team standings ang Alaska taglay ang malinis na 4-0 kartada kasunod ang Beermen na may 3-1 rekord habang tabla naman ang Realtors at Gin Kings sa 2-1 panalo-talo.

Kasama naman ang Tigers sa four-way-tie sa 1-3 record na kinabibilangan din ng Air21, Purefoods at Red Bull sa likod ng Rain or Shine at Phone Pals na tabla sa 2-2 rekord. (Mae Balbuena)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BEERMEN

GIN KINGS

KANILANG

PANALO

PHONE PALS

PUREFOODS

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with