5 Pinoy boxers puntang Mexico
Sa hangaring maibangon ang karangalan ng bansa sa Olympic Games, ngayon pa lamang ay sinisimulan na ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang pagsasanay sa ilang bagitong pugs.
Limang Filipino boxers ang lalahok sa World Youth Championships na nakatakda sa Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3 sa Guadalajara, Mexico.
Ang mga ito, ayon kay ABAP president Manny T. Lopez, ay sina National Open standouts Gerson Nietes Jr., Welbeth Loberanis, Glicerio Catolico III, Aston Francis Palicte at Rolando Tacuyan na kasalukuyang nagsasanay sa Cuba.
Nasa capital city rin ng Havana sina Conrado Tañamor Jr., Jameboy Vicera at John Ray Melligen kasabay ang mga bagitong fighters ng Colombia, El Salvador, Spain at Cuba.
Sina Nietes, Loberanis, Catolico, Palicte at Tacuyan, ayon kay Lopez, ay gagabayan ni Cuban coach Dagoberto Rojas Scott katuwang si Filipino mentor Elmer Pamisa para sa boxing tournament sa Mexico.
Ang mga Pinoy pugs ay sasagupa sa mga kapwa nila 17-18 year-old boxers buhat sa 68 bansa na tatampukan ng two-minute, four-round bouts sa 11 weight categories.
Hangad ng ABAP na makapagsali ng tatlo hanggang apat na fighters sa 2012 Olympic Games sa London. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending