WPBL palalakasin at palalakihin
Isa hanggang dalawang taon ang ibinibigay na time frame nina Philippine Bas-ketball League (PBL) chair-man Dr. Mikee Romero at Commissioner Chino Trini-dad para sa pagsasabuhay at pagpapalakas sa WPBL.
Ayon kay Romero, sa naturang panahon ay inaasahan na niyang makakakuha ang WPBL ng sarili nitong chairman, Commissioner at prangkisa.
“For the first one to two years siguro hahawakan muna namin ni Commissioner Chino (Trinidad) itong WPBL. Kapag nakita natin na puwede na natin silang pabayaang mag-isa with its own chairman, Commissioner, staff and franchise, iiwanan na namin sila,” ani Romero.
Sa pagsasabuhay sa WPBL, inilunsad ni dating PBL Commissioner Yeng Guiao noong 1998, siyam na kompanya na ang naglagay ng kani-kanilang koponan.
Ito ay ang Oracle Residence ni Romero, ang Smart Sports ni Telecommunication mogul Manny V. Pangilinan, ang Nutri-C ni Jun Sy ng Nokia, ang Ever Bilena ni Diolceldo Sy, ang Muscle Tape ni Chito Narvasa, ang Bacchus Energy Drink ni Bong Tan, ang RFM Corporation ni Joey Concepcion, ang Pharex ng Pascual Laboratory at ang Discovery Suites.
“It’s a rebirth. This is a league of their own. Parang symbolic ito para sa liga ng ating mga kababaihan,” wika ni Romero, team owner ng Harbour Centre, kaugnay sa 2008 WPBL na didribol sa Nobyembre 8.
At isa pang magandang balita, hindi lamang pang isang kumperensiya ang WPBL kundi pang limang taon na programa.
“We want to sustain this for the next five years,” wika ni Trinidad sa WPBL. “It’s a responsibility that we have to make. Kung ‘yong mga lalaki natutulangan natin, ‘yong mga kababaihan pa kaya natin.” (RC)
- Latest
- Trending