^

PSN Palaro

4 na sa Aces!

-

Nakaasa ang Alaska kina Willie Miller at Reynel Hugnatan sa endgame upang iposte ang 91-84 panalo kontra sa Rain Or Shine para humigpit ang kapit sa liderato ng kasalukuyang KFC PBA Philippine Cup na nagpatuloy kahapon sa Araneta Coliseum.

Umikor si Miller ng 7 mula sa kanyang 21 puntos sa final canto at 4 markers mula kay Hugnatan ang susi sa ikaapat na panalo ng Aces upang tumatag sa liderato habang nalasap naman ng Rain Or Shine ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan matapos mamayani sa kanilang unang dalawang asignatura.

“Without a doubt I think we have the best closure with Willie Miller,” pahayag ni coach Tim Cone ng Alaska patukoy kay Miller na umiskor ng pitong sunod na puntos upang ilayo ang Aces sa 85-78 patungo sa huling dalawang minuto ng labanan. “He’ll create a shot for himself or create a shot for his teammates. Willie Miller really closes out games very well,” dagdag pa nito.

Naitabla ng Elasto Painters ang iskor sa 78-all matapos ang 26-6 bomba patungo sa huling 3:30 ng fourth quarter.

“Nabreakdown nila ‘yung depensa namin, Nakadrive sila, nakashoot sa threepoint. Siyempre, medyo kinabahan kami pero nandoon pa rin ‘yung composure ng team,” ani Miller.

Dalawang tres ni Rob Wainwright ang naglapit sa Rain Or Shine sa 84-87 ngunit ang follow-up ni Hugnatan ang muling naglayo sa Aces sa 89-84, 21.0 segundo na lamang.

Naglalaro pa ang Ginebra (2-0) at Red Bull (0-3) habang sinusulat ang balitang ito. (MBalbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DALAWANG

ELASTO PAINTERS

HUGNATAN

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

RED BULL

ROB WAINWRIGHT

TIM CONE

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with