^

PSN Palaro

Pagkabuhay ng WPBL ikinasiya

-

Ikinasiya ni dating national women’s head coach Fritz Gaston ang pagbuhay ng Philippine Basketball League (PBL) sa women’s league sa Nobyembre.

 Sa pangangasiwa ni Gaston, gumiya sa Ateneo De Manila University sa kampeonato ng UAAP noong 1988, naiuwi ng mga Filipina cagebelles ang bronze medal sa nakaraang 24th Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand noong 2007. 

“I think that is very good. If my handling the RP women’s team help in any way to its revival, then in a small way I have done my part,” sabi ni Gaston sa naturang hakbang nina PBL chairman Dr. Mikee Romero ng Harbour Centre at PBL Commissioner Chino Trinidad. 

Naging inspirasyon ni Romero sa pagbuhay sa WPBL ang mga napanood niyang mga laro sa women’s basketball sa 2007 Thailand SEA Games.

 Matapos ang naturang biennial meet, iminungkahi ni Gaston kay Romero ang pagsasabuhay ng women’s basketball league na unang inilunsad ni dating PBL Commissioner Yeng Guiao noong 1988.

 Ang Ever Bilena, nagparada sa ilang national team members sa pamumuno ni Emily Vega, ni Dioceldo Sy ang nagreyna sa naturang inaugural tournament. 

 “I was going to put up a women’s league last year and Dr. Mikee Romero was very supportive of my idea,” ani Gaston. “Now that he is the new chairman of the PBL, they will revive the women’s league which they had years back.”

 Isang tryouts ang itinakda ng PBL sa Oktubre 19 sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City para sa mga cagebelles na may edad 25-anyos pababa. (Russell Cadayona)

ANG EVER BILENA

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

COMMISSIONER YENG GUIAO

DIOCELDO SY

DR. MIKEE ROMERO

EMILY VEGA

FRITZ GASTON

GASTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with