Sa pagbabalik ng mga dating kampeon na University of Santo Tomas at De La Salle, muling inaasahan ang maiinit na aksiyon sa 2nd conference ng Shakey’s V-League na papalo sa Oktubre 19 sa The Arena, San Juan.
Malugod na tinanggap ng mga mga opisyales at ng mga koponan ang pagbabalik ng Tigresses at Lady Archers sa 8-team na palaro at lahat ay tanggap na ang kanilang presensiya ay magbabalik ng init sa pagitan ng intercollegiate women’s volleyball.
Hanggang sa kanilang leave of absence noong nakaraang conference, dinomina ng Lady Archers at Tigresses ang unang anim na edisyon ng liga na nasa ikalimang season na.
“With UST and La Salle back, mas maganda ito para sa liga,” ani Shakey’s general manager Vic Gregorio, na nagsabing ang showdown ng La Salle at UST ay parang laban din ng Ateneo at DLSU sa men’s basketball.
Kasama ni Gregorio na dumating sa programa na hatid ng Shakey’s, Accel, Brickroad gym and Aspen spa at MedCentral Medical Clinic and Diagnostic Center sina Sports Vision official Moying Martelino, commissioner Tonyboy Liao, Shakey’s marketing manager Meggie Jose at Mikasa representative Baby Lorenzo.
Dumalo din ang mga miyembro ng defending champion Adamson University na pinamunuan ng kanilang assistant coaches na sina Sherwin Meneses at Jacqueline So at players Angela Benting at Lizlee Ann Gata, College of St. Benilde assistant mentor Raquel Ordonez, players Cindy Velasquez at Katty Kwan, Ateneo assistant coach Patti Taganas at Lady Eagle Kara Acevedo, nine-time WNCAA champion Lyceum ni assistant coach Benjamin Mape at stalwarts Dahlia Cruz, Bernadette Satsatin at Mary Grace Babalo at four-time reigning NCAA titlist San Sebastian ni coach Roger Gorayeb at star player Jacqueline ‘Jinni’ Mondejar.
Agad magpaparamdam ang UST sa opening day sa Oktubre 19 sa kanilang pakikipagharap sa St. Benilde sa alas-2 ng hapon bago ang panimulang kampanya ng Adamson sa alas- 4 ng hapong laban kontra sa Far Eastern University.