^

PSN Palaro

Bustamante, Orcollo bigo

-

Nabigo sina Francisco “Django” Bustamante at Dennis Orcollo sa semifinals, 9-6 kontra sa naging kampeon na sina   Shane Van Boening at Rodney Morris ng United States sa 2008 PartyPoker.net World Cup of Pool na nagtapos kahapon sa Outland Nightclub sa Rotterdam, Holland.

Isang malungkot na kabiguan ito para sa tambalang Pinoy na nangangailangan lamang ng dalawang panalo upang muling maangkin ang pinakaprestihi-yosong korona sa billiards sa mundo na kanilang napagwagian nang una itong idaos noong 2006.

Naipagpatuloy naman ang pananalasa ng Americans, 6th seed sa lahok na 32, makaraang igupo ang No. 5 England nina reigning world 9-ball champion Darryl Peach at Mark Gray, 11-7, sa finals upang maging ikatlong may-ari ng World Cup of Pool.

Naibulsa nina Van Boening at Morris ang $60,000 top prize, habang inuwi naman ng Pinoy at Chinese pairs ang $16,000 bawat isa.

vuukle comment

BUSTAMANTE

DARRYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

MARK GRAY

OUTLAND NIGHTCLUB

PINOY

RODNEY MORRIS

SHANE VAN BOENING

UNITED STATES

VAN BOENING

WORLD CUP OF POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with