Sa pag-upo nina Mark Caguioa, Eric Menk, Rafi Reavis at Billy Mamaril dahilan sa injury, kakailanganin ng Barangay Ginebra ang lahat ng tulong mula sa iba pang Gin Kings.
Sa likod ng 23 puntos, 6 rebounds, 5 assist at 2 steals ni Jun-Jun Cabatu, iginupo ng Ginebra ang Air21, 101-92, noong Linggo patungo sa pakikipagsalo sa Alaska at Rain or Shine sa liderato ng 2008 PBA Philippine Cup.
“Somebody needed to step up because we’re missing some of our players. I’m glad I could contribute to the team my father used to play for,” wika ng 6-foot-3 na si Cabatu, panga-nay na anak ni dating Ginebra center Sonny Cabatu.
Si Cabatu, dating power forward ng La Salle Green Archers sa UAAP, ang huling manlalarong ipinasok ni head coach Jong Uichico sa kan-yang line-up matapos pagpilian sina 6’5 Mike Gavino, 6’6 Alwyn Espiritu at 6’4 Bernzon Franco.
Nagposte si Cabatu, pinakawalan na ng Aces matapos ang 33rd season ng liga, ng 4-of-7 galing sa three-point area, 5-of-8 mula sa two-point range at 1-of-2 buhat sa freethrow line.
“Surely, Junjun had a big hand on this win. He’s a good acquisition since he can shoot from inside and out,” wika ni Uichico sa 24-anyos na third-year pro na si Cabatu, nakatu-wang nina Ren-Ren Ritualo at Mac-Mac Cardona sa paghahatid sa Green Archers sa UAAP crown.
Kasalo ngayon ng Ginebra ang Alaska at Rain or Shine sa pamumuno sa magkatulad nilang 2-0 kartada kasunod ang Talk ‘N Text (2-1), San Miguel (1-1), Sta. Lucia (1-1), Purefoods (1-1), Red Bull (0-2), Coca-Cola (0-2) at Air21 (0-3).
Kumpara noong nakaraang Fiesta Conference kung saan nila tinalo ang Express, 4-3, sa kanilang best-of-seven championship series sa kabila ng 0-5 at 1-7 rekord sa elimination round, sinimulan naman ng Gin Kings ang Philippine Cup sa kanilang 2-0 baraha. (Russell Cadayona)