^

PSN Palaro

HBO may ihinahandang tv special para kina Pacquiao at Dela Hoya

-

Makaraan ang six-city promotional tour sa United States, isang biopic naman ang ilalahad ng Home Box Office (HBO) para kina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at kalabang si world six-division champion Oscar Dela Hoya.

Dumating na kamakailan ang isang HBO crew sa General Santos City para simulan ang naturang television special na bahagi ng tinatawag na ‘round-the-clock promotional blitz’ hinggil sa “Dream Match” nina Pacquiao at Dela Hoya.

Ang Pacquiao-Dela Hoya non-title welterweight fight ay nakatakda sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada at isasaere ng HBO.

Itatampok sa naturang biopic ang pinagmulan ng 29-anyos na si Pacquiao buhat sa pagtitinda ng pandesal sa kanilang nayon hanggang sa pagiging world four-division titlist at pagkilala bilang ‘pound-for-pound best fighter’.

 Sinimulan ni Pacquiao ang kanyang professional boxing career sa edad na 16-anyos kung saan siya humataw ng 11 sunod na panalo bago mapatulog ni Rustico Torrecampo sa kanilang flyweight bout noong 1996. (Russell Cadayona)

ANG PACQUIAO-DELA HOYA

DELA HOYA

DREAM MATCH

GENERAL SANTOS CITY

GRAND ARENA

HOME BOX OFFICE

LAS VEGAS

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with