Bustamante-Orcollo nalo uli

Muling nagpamalas ng impresibong performance ang tambalang Django Bustamante at Dennis Orcollo sa 2008 PartyPoker.net World Cup of Pool matapos ang 8-3 panalo kontra sa Russia upang makarating sa quarterfinal round.

Ito ang ikalawang sunod na panalo nina Bustamante at Orcollo sa kompetisyong ginaganap sa Outland Nightclub sa Rotterdam, Holland, matapos pasadsarin ang Denmark, 8-2 sa kanilang opening match.

Susunod na makakalaban ng Pinoy duo ang Japanese team nina Satoshi Kawabata at Naoyuki Oi sa quarterfinals kagabi.

Nakauna ang Philippines laban sa mga Russians na sina Konstantin Stepanov at Ruslan Chinahov nang kanilang kunin ang maagang 3-1 kalamangan.

Ngunit nagbanta ang mga kalaban sa 2-3, gayunpaman, sa likod ng ilang error, kinuha ng mga Pinoy ang sumunod na tatlong racks para sa komportableng 6-2 pangunguna.

Humirit ang Russian sa ninth game para sa 3-6 score ngunit hanggang dito na lamang ang kanilang nagawa at sadyang mailap sa kanila ang suwerte at naging madali na para sa mga Pinoy ang sumunod na dalawang racks upang masiguro ang kanilang tagumpay.

Show comments