Mga paboritong team nadiskaril
Patuloy ang pagyanig sa 2008 PartyPoker.net World Cup of Pool nang dalawang pre-tournament favorite ang natanggal sa ikalawang araw ng $250,000 tournament na ginaganap sa Outland night-club sa Rotterdam, Holland .
Nawala na sa kontensiyon ang 7th-seed Chinese-Taipei pair na sina dating double world champion Wu Chia-ching at veteran internationalist Wang Hung-hsiang makaraang yumuko sa tambalang Gijs van Helmond at Roy Regards ng Holland, 8-5.
Sinamantala nina Helmond at ng19-year-old na si Gerards, na nagwagi sa local qualifyng tournament ang ikalawang team ng host, ang error-plagued performance ng Taiwanese upang umusad sa round-of-16.
Makakaharap nila ang magwawagi sa pagitan ng no.10 Japan at Australia , na kasalukuyang nilalaro pa habang sInusulat ang balitang ito.
Nilalaro pa rin ang laban ng Philippine pair nina world no.1 Dennis Orcollo at dating World Cup titleholder Francisco “Django” Bustamante, kontra kina Martin Larsen at Kasper Kristoffersen ng Denmark.
Dahil sa kabiguan ng Chinese-Taipei, nakasama nilang palabas ang seeded pairs No. 3 ng Holland A nina Niels Feijen and Nick van den Berg No.8 Finland nina dating world titlist Mika Immonen at Markus Juva.
Sa iba pang resulta ng Day 2, tinalo ng fourth-seed Germany nina reigning world 8-ball champion Ralf Souquet at Thomas Engert ang Qatar, 8-3, habang ang No. 6 United States , na kinatawan nina Shane van Boening at Rodney Morris ay namayani sa Iceland , 8-4.
Tinalo din ng No.12 Canada ang France, 8-5, pinayuko ng No.13 Poland ang Thailand, 8-3, at dinimolisa ng No.19 Austria ang No.14 Vietnam , 8-1.
- Latest
- Trending