Simula na ang laban nina Bustamante at Orcollo
Umaasa sina Francisco “Django” Bustamante at Dennis Orcollo ng Team Villards-Philippines na hindi sila magiging biktima ng upset na dahilan ng pagkakasibak ng mga high-seeded teams sa opening day sa pagsisimula ng kanilang kampanya ngayon sa 2008 PartyPoker.net World Cup of Pool sa Rotterdam, Holland kung saan makaka-sagupa nila ang ‘di kilalang team mula sa Denmark.
Makakaharap ng Filipino duo, seeded second sa field of 32, ang tandem ng no.31 seeds na sina Martin Larsen at Kasper Kristoffersen sa huling match na naka-schedule sa opening round ng $250,000 tournament na ito.
“The field is very tough, and that any team can beat the others,” ani Bustamante. “That’s why we need to come up with our best right from the start of the match to avoid the upset, just like what happened to those two teams.”
Tinutukoy ni Bustamante ang sinapit ng isa sa team ng host country at ang runner-up noong nakaraang taon na Finland, na ginulantang ng mga ‘di kilalang kalaban.
Ang no.3 seed Holland A na binubuo nina world no.2 Niels Feijen at Nick van den Berg ay natalo sa mga di kilalang no.30 Belgium tandem nina Noel Bruynooghe at Serge Das, 8-3.
Ang no.8 Finland, na binubuo nina former world champion Mika Immonen at Markus Juva, ay nakalasap naman ng 8-4 decision laban sa Korea duo na sina Jeong Younghwa at Kim Woongdae.
“A race-to-eight match is very short, so you need to have a strong start. Hangga’t maari nga ‘wag mo nang patirahin yung kalaban, dahil baka pag binigay mo ‘yung mesa hindi ka na makabalik,” sabi naman ni world no.1 Orcollo, na sinuportahan ang kanilang kampanya dito ni Bustamante ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports ni Senate President Manny Villar at ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP).
- Latest
- Trending