^

PSN Palaro

RP Open badminton magbabalik

-

Matapos ang isang taong pagkawala sa eksena, muling magbabalik ang Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships sa Hunyo 2009 na may malaki at eksplosibong bakbakan ng supremidad sa pagitan ng mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo at upcoming stars ng bansa.

Sinabi ni Philippine Badminton Association (PBA) president Amelita “Ming” Ramos na ang kanilang aksiyon na magtanghal ng palaro sa susunod na taon ay nangangahulugan ng pagpreserba sa mga worldclass quality ng laro na kinilala ang RP Open, na mawawala kung sakaling nagdesisyon ang nag-iisponsor na Bingo Bonanza na ganapin ngayong season.

Nagdesisyon ang organizers na kanselahin ang 2008 edition ng naturang netfest dahil ang June-July playdate ay maaaring ganapin pagkatapos ng final Olympic qualifier, na magpupuwersa sa mga top international players na hindi maglaro dahil sa paghahanda sa Beijing Olympics.

“But we’re happy to announce that we’re proceeding with the Bingo Bonanza Philippine Open Badminton on June 2-9 of next year,” wika ni Mrs. Ramos sa PSA Forum sa sa Shakey’s U.N. Avenue branch kahapon.

Sinamahan nina PBA vice-president Ret. Gen. Edgar Aglipay at Bingo Bonanza president Albee Benitez at Princess Galura ng International Management Group (IMG) ang dating First Lady sa lingguhang session na hatid ng Shakey’s, Accel, Brickroad gym at Aspen spa at MedCentral Medical Clinic and Diagnostic Center.

“Being an Olympic year, we thought to just postpone the Philippine Open for next year since we’re not sure that there would be enough world class players who will see action in the meet. Ayaw naman naming half-baked ang magiging labas nito,” ani Benitez.

ALBEE BENITEZ

BEIJING OLYMPICS

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

EDGAR AGLIPAY

FIRST LADY

INTERNATIONAL MANAGEMENT GROUP

MEDICAL CLINIC AND DIAGNOSTIC CENTER

MRS. RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with