^

PSN Palaro

Mula basketball hanggang local court

-

Mula sa basketball court hanggang sa isang local court.

Ito ang aksyon na posibleng gawin ng Basketball Coaches of the Philippines (BCAP) kung tuluyan nang iluluklok ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Serbian Rajko Toroman bilang national head coach.

Ngunit hanggat hindi ito nangyayari ay patuloy na oobserbahan ng BCAP ang mga aksyon ng SBP, partikular na si executive director at dating PBA Commissioner Noli Eala.

“We still have to know the specifics regarding what he’s going to do here,” sabi kahapon ni BCAP president Chito Narvasa. “Until it is clarified, then we will be taking some course of action.”

Matatandaang kinuha ni Eala ang serbisyo ni Toroman bilang isang project director sa pamamagitan ng isang three-year contract.

Si Toroman ang tumulong sa Iran sa paghahari sa 2007 FIBA-Asia Men’s Championships sa Tukoshima, Japan kung saan pumuwesto bilang ninth-placer ang RP Team ni Chot Reyes.

Ang nasabing torneo ang tumayong qualifying event ng nakaraang 29th Olympic Games sa Beijing, China noong Agosto.

“We’re disappointed in the way that the SBP is treating coaches here like they’ve given up already in the Filipino coaches. It’s disappointing because they’re the NSA (National Sports Association) who’s supoposed to protect and provide the opportunites also for the athletes and for the coaches and get everybody involved in basketball,” ani Narvasa.

Sa plano ng SBP at ni Eala, si Toroman ang hahanap ng mga potensyal na miyembro ng itatayong ‘elite group’ kapalit ng RP Team ni Yeng Guiao ng Red Bull na lalahok sa 2009 FIBA-Asia Men’s Championships.

Sakaling pumuwesto sa Top Three ng naturang torneo, awtomatikong makakalaro ang Nationals ni Guiao sa 2010 World Basketball Championships sa Istanbul, Turkey. (RCadayona)

ASIA MEN

BASKETBALL COACHES OF THE PHILIPPINES

CHITO NARVASA

CHOT REYES

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

OLYMPIC GAMES

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with