Nakakaaliw pakinggan si Jun Limpot kapag nagsasalita.
Punum-puno ng sense at sincerity.
At ito ay mula ng matuto at mahilig sa pagbabasa ng libro.
Actually nagsimula ang lahat two years ago bago ito magretiro.
“Alam kong magreretiro na ako kaya nalungkot ako. Dito, napag-isip-isip ko kung ano na ang dapat kong gawin kapag nagretire ako. So ang una kong pinuntahan ay bookstore kung saan sa aking pag-iikot nakita ko ang isang inspiring book (nakalimutan ko ang title at author) at doon nabuksan ang aking isip, paunang wika ni Jun na ngayon ay may-ari na rin ng isang bookstore ang “Pick-A-Book”.
Last Saturday, nagpunta ako, kasama ang mag-asawang Junep at Cel Ocampo sa warehouse ng books ni Jun.
Kaloka, dahil talagang malulula sa dami ng books.
Sapul nang tumigil na ito sa paglalaro (huli nya ay sa Purefoods) itong “Pick-A-Book” na ang kanyang pinagka-kaabalahan. One year pa lang ito pero sulit na daw sabi ni Jun.
May 10 stalls din siya sa iba’t ibang malls like SM and Robinson. At dito naisip nga niya na i-open sa public ang warehouse para sa mga walk-in or maging sa mga retailers at wholesalers.
Habang kausap namin si Jun, naaaliw akong pinapa-kinggan ito sa pagpapaliwanag kay Junep kung bakit books ang kanyang naisip na negosyo.
Ika ni Jun, na-inspire siya sa pagbabasa at duon sumagi sa isip niya na gusto rin niyang maishare ang kanyang nalaman thru books.
“Actually, marami aking nalaman thru reading. Marami akong na-gain na knowledge at isa sa dahilan ito kaya naisip kong inegosyo ang books,” ani Jun.
Kinukuha niya ang books sa US, bago at luma meron siya. From children’s book thru medical references and others name it, meron siya at very affordable ang price.
“Isa yun sa nasa isip ko. Ang makapagbasa ang maraming Filipino ng books na very affordable sa kanila ang presyo. Yung hindi mahal,” dagdag nya.
Halos lahat ng author ng novel, shortstories, inspiring books at iba at maging references ay kilala at alam nya.
May ‘K’ siya para sa business na ito dahil kinilala at inaalam nya ang kanyang pinasok.
Kahit ang mga ka-teammate nya ay hindi makapani-walang ibang Jun na ang kanilang nakakausap.
Marami na siyang alam at natutunan, pati nga ang healing at kung anong klaseng sakit meron ang isang tao ay napag-aralan na rin nya (base lamang po sa binasa nyang libro).
Actually, kulang ang space kong ito kung ang lahat ng pinag-usapan namin ay ilalabas ko.
So siguro okay na muna ito.
Anyway hindi pa naman ayos ang lahat sa warehouse so mga next issue ko na lang ibibigay ang exact place ng warehouse ni Jun as soon as naka-setup na ang lahat. Sa ngayon bulto-bultong kahon pa ang naroroon kaya hindi pa ito presentable sa ibang costumer.