Solomon nagpasikat na; tinanghal na Player of the Week
Nakarating na kay Mark Caguioa ng Barangay Ginebra ang ‘pagpapasikat; na ginawa ni Fil-Puerto Rican rookie guard Solomon Mercado ng Rain or Shine.
Sinabi kahapon ni coach Jong Uichico na naibalita na niya kay Caguioa, kasalukuyang nagpapagaling ng kanyang tendonitis sa dalawang tuhod sa United States, ang inilaro ni Mercado sa 120-102 panalo ng Elasto Painters sa Air21 Express sa 2008 PBA Philippine Cup kamakalawa.
We talked over the phone. Binibrief ko siya on what is happening here, ‘yong mga bagong players,” sabi ni Uichico kay Caguioa. “Sabi ko sa kanya, pagbalik niya dito dapat ready siyang maglaro because really, magagaling ‘yung mga young guys.”
Sa kanyang debut game para sa Rain or Shine, tumipa si Mercado ng 29 puntos, tampok rito ang 5-of-10 shooting sa 3-point range, 7 rebounds at 4 assists.
“As I’ve been saying, Sol is like a young Mark Caguioa. Hopefully, he doesn’t get complacent,” ani Elasto Painters’ interim mentor Caloy Garcia kay Mercado, nagmula sa Biola University at kinilalang fifth overall pick ng Alaska sa 2008 PBA Rookie Draft bago dalhin sa Rain or Shine kapalit ni Joe Devance at future draft pick.
Maliban sa edad, lubos na maikukumpara ang laro ni Mercado, miyembro ng huling dalawang tropa ng Harbour Centre na nagkampeon sa Philippine Basketball League (PBL), kay Caguioa.
“He’s good. He drives strong to the basket, may three-points pa, dumedepensa rin and he also passes the ball. He’s really an all-around player that can takeover a game,” sabi ni Uichico kay Mercado.
Idinagdag ni Uichico na posibleng sa Nobyembre pa makapaglaro si Caguioa bunga ng tendonitis nito sa dalawang tuhod, habang dalawang linggo naman ang iuupo ni Rafi Reavis at sa susunod na linggo makikita sa aksyon sina Junthy Valenzuela at Billy Mamaril.
“Alam niyang magaling si Mercado at ikino-compare sa kanya,” ani Uichico kay Caguioa. “So meron na siyang goal that he will work for.”
Dahil sa performance ding ito ni Solomon, hindi ito nakalusot sa mata ng mga nagkokober ng PBA at ibinigay ang Best Player of the Week na parangal sa nabanggit na rookie ng Rain or Shine. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending