^

PSN Palaro

Pacquiao, Dela Hoya nagbangayan na

-

Kagaya ng dapat asahan sa kanila, nagpatutsadahan sina Filipno boxing superstar Manny Pacquiao at world six-division champion Oscar Dela Hoya sa pagsisimula ng kanilang promotional tour sa Statue of Liberty sa New York kahapon. 

Ayon sa 29-anyos na si Pacquiao, patutunayan niya sa kanyang mga kritiko na hindi lamang ang kikitain niyang halos $20 milyon o P900 milyon ang inisip niya sa paghahamon sa 35-anyos na si Dela Hoya.

“Some people are criticizing Oscar for picking on a small guy like me. Some people say I’m picking this fight for the money,” wika ni Pacquiao, ang world four-division titlist. “I’m going to prove everyone wrong.”

Nakatakda ang non-title welterweight fight nina Pacquiao at Dela Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

“I have to prove to myself that I can still do this,” sabi naman ni Dela Hoya. “Yes, I’m 35. Everyone says that’s over the hill for boxing. But I’m still young, I didn’t get beat up. So I still want to do this.”

“Para sa mga taong nakakakilala sa akin, hindi ko ugaling magsalita ng masama tungkol sa aking kalaban at siyempre, naririyan pa rin ang respeto ko sa kapwa ko boxer at kalaban,” dagdag ni Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) lightweight king.

Katulad ng dapat mangyari, muling kinutya ni American trainer Freddie Roach ang dating alagang si Dela Hoya, ang 1992 Barcelona Olympic Games gold medalist.

“I learned a lot during that nine-week period that I trained Dela Hoya and now I’m going to use it against him,” ani Roach, gumabay sa training ni Dela Hoya nang matalo kay Floyd Mayweather, Jr. via split decision noong Mayo ng 2007 para sa world light welterweight crown. “Can he still pull the trigger? We’ll see.”

Matapos ang Statue of Liberty sa New York, tutungo naman ang naturang promotional tour sa Sears Tower sa Chicago kasunod ang pagbiyahe sa Space Center sa Houston, sa The Alamo sa San Antonio, sa Golden Gate Park sa San Francisco at sa Whittier Boulevard Arch sa Los Angeles. (Russell Cadayona)

BARCELONA OLYMPIC GAMES

BUT I

DELA

DELA HOYA

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

NEW YORK

PACQUIAO

STATUE OF LIBERTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with