Walang magiging epekto kay De La Hoya ang bagong trainer
Walang magiging epekto sa pagsasanay ni world six-division cham-pion Oscar Dela Hoya ang pagkuha sa isang chief trainer na ngayon pa lamang niya makakatra-baho.
Ito ang obserbasyon ni veteran trainer Ronnie Shields kaugnay sa pag-hugot ng 35-anyos na si Dela Hoya kay Hall of Famer Ignacio “Nacho” Beristain ng Mexico bilang kanyang trainer para sa laban kay Manny Pac-quiao sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
“I don’t think it makes a difference,” ani Shields, trainer ni world lightweight contender Juan Diaz at dating hinawakan si world heavyweight king Mike Tyson. “Oscar’s been around a long time, he’s not a young fighter on the way up. It shouldn’t take him long to gel with Nacho.”
Sa kabiguang maku-hang muli ang serbisyo ni Floyd Mayweather, Sr., ang maalamat na si Beris-tain, tumayo sa corner ni Mexican Juan Manuel Marquez sa dalawang laban nito kay Pacquiao, ang pinili ni Dela Hoya bilang bagong trainer.
“I’m going through a situation right now with Kermit Cintron (dating welterweight titlist), we just started training together. We’ve been together one week, and we’re gelling good. I’ve never had a problem with needing a lot of time to get the best out of a fighter,” sabi ni Shields.
Sa kanyang unang 17 laban bilang isang pro boxer, kinuha ni Dela Hoya si Robert Alcazar bago pinalitan ni Jesus “The Professor” Rivero kasunod sina Emanuel Steward, Gil Clancy, Freddie Roach at May-weather.
Ang problema na lamang na hindi pa nare-resolbahan ni Dela Hoya, ang 1992 Olympic Games lightweight gold medalist, ay ang kanyang istilo bilang fighter bunga na rin ng papalit-palit ng trainer, ayon kay Shields.
“I don’t think he really ever found his identity, whether he’s a boxer, a counterpuncher, or both,” sabi ni Shields. “That’s the knock against having so many trainers; you can never really get settled.” (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending