3-peat sinakmal ng Red Lions

Mula sa opensa hang­gang sa depensa ay lub­hang napakalakas ng mga Red Lions para sa Hea­vy Bombers.

Nakahugot ng 20 pun­tos, 14 rebounds, 3 shot­blocks at 2 assists kay 6-foot-8 Nigerian Sam Ek­we, tinalo ng nagdede­pen­sang San Beda Col­lege ang Jose Rizal Uni­versity, 85-69, sa Game 3 para sikwatin ang 84th NCAA men’s basketball championship sa harap ng 20,360 manonood ka­hapon sa Araneta Coli­seum.

Ang ikatlong sunod na ko­rona ng Red Lions nag­bigay sa kanila ng ika-14 NCAA title para pantayan ang dating miyembrong Ateneo Blue Eagles sa ila­lim ng 16 ng Letran.

“All our executions, es­pecially on our offense did us wonders,” wika ni coach Frankie Lim. “And that’s the reason why Sam Ekwe played a great ga­me tonight. Defensively also I think he did a great job on (James) Sena and he stopped (Jayson) No­com from hitting those out­side shots.”

Ito ang pangalawang be­ses na naglista ng ‘three peat’ ang San Beda matapos noong 1934, 19­35 at 1936.

Matapos kunin ang first half, 38-29, pinalaki ng Red Lions ang kanilang kalamangan sa 18 pun­tos, 53-35, sa 6:29 ng third quarter bago ang basket ni Nocom at three-point shot ni Marc Cagoco para sa 40-53 agwat ng Heavy Bombers.

Ipinoste ng San Beda ang isang 19-point lead, 59-40, galing sa dalawang sunod na basket ni Ogie Menor at jumper ni Jay-R Taganas sa huling 4:11 nito hanggang muling ma­kadikit ang Jose Rizal, hu­ling nagkampeon noong 1972, sa 66-76 agwat sa 2:03 ng final canto.

“It boiled down on exe­cution, defensively and of­fensively. Iyong Game 2, I felt was a disaster. We came out soft and then we didn’t execute, medyo nag-panic ‘yung mga ba­ta,” ani Lim sa Game 2. 

Napuwersa ng Heavy Bombers ni mentor Ariel Vanguardia sa Game 3 ang kanilang best-of-three titular showdown ng Red Lions ni Lim nang agawin ang 62-60 panalo sa Ga­me 2 matapos isuko ang 68-72 kabiguan sa Game 1.

Show comments