Mahalaga ang preparasyon kay Manny

Sa kabila ng pagka-antala sa kanyang training session sa Wild Card Boxing Gym ni Freddie Roach sa Hollywood, California, hindi pa rin nawawaglit sa isip ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kahalagahan ng prepa-rasyon.

Matapos sumaglit sa Pilipinas kamakailan para ayusin ang kanyang bank accounts, nagtungo na-man ang 29-anyos na si Pacquiao sa El Cajon, Ca-lifornia para sa kanyang kauna-unahang interna-tional boxing promotions. 

“Kahit na pinaunlakan ko ang pagdalo sa aking promotion, tuloy pa rin ang aking pagtakbo sa umaga at minsan ay nagba-bas-ketball,” sabi ni Pacquiao.

Nakipagtambal ang MP Promotions ni Pac-quiao sa Sycuan Ringside Promotions para sa na-turang boxing card na ti-nampukan ng mga panalo nina super bantamweight Bernabe Concepcion at lightweight Dennis Lau-rente kontra sa kanilang mga Mexican rivals.

Matapos ang naturang mga aktibidad, tuluyan nang itutuon ni Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) lightweight champion, sa kanilang non-title welterweight fight ni Oscar Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.   

“Ngayong natapos na ang ibang mga gawain, itutuloy na namin kasama ang aking koponan, ang paghahanda para sa pinakamalaking laban ng aking buhay,” sabi ni Pac-quiao sa kanilang laban ng 35-anyos na si Dela Hoya.

Para sa kanyang pag-hahanda kay Dela Hoya, isang world six-division titlist, dalawang light mid-dleweight at isang welter-weight fighters ang kinuha ni Roach bilang mga spar-ring partners ni Pacquiao.

Magsisimula ang pro-motional tour ng ‘Dream Match’ nina Pacquiao at Dela Hoya sa Oktubre 1 sa New York. (Russell Cadayona)

Show comments