San Beda o Jose Rizal?
Matagal na panahon na nang huling makatikim ng titulo ang Jose Rizal University at ngayon, may pagkakataon silang mu-ling humawak ng titulo at hindi nila sasayangin ito.
Nakatakdang sagu-pain ngayon ng JRU Hea-vy Bombers ang defen-ding champion San Beda College sa winner-take-all Game-3 sa Araneta Coli-seum ngayong alas-3:00 ng hapon.
“We’ve been waiting for this chance to show up, and now that it is here we’re gonna try our best to win the championship,” sabi ni Vanguardia na umaasang makakatang-gap ng magandang re-galo para sa kanyang ika-36 kaarawan ngayon.
Huling nakatikim ng kampeonato ang Jpse Rizal noong 1972 at 36-taon na silang uhaw.
Kailangan namang balikan ng Red Lions ang kanilang pormang pang-kampeonato upang ma-kamit ang kanilang ina-asam na three-peat title.
Nadiskaril ang naka-handang selebrasyon ng San Beda matapos pigilan ng Jose Rizal, 62-60 no-ong Game-2 na nagtabla ng best-of-three titular series sa 1-1 panalo-talo matapos kunin ng Bedans ang opening game ng series sa 62-58 tagumpay.
“It’s going to be a different story on Monday,” wika ni San Be-da coach Frankie Lim. “I’ll get these guys ready and make them give everything they’ve got.”
Muling sasandalan ng San Be-da sina 6’8 Nigerian Sam Ekwe, Ogie Menor, Pong Escobal, Borgie Hermida at Bam Gamalinda ha-bang sina James Sena, Jayson Nocom, Marvin Hayes, Maui Pradas, Jay-R Bulangis at Marc Ca-goco ang kakamada sa Jose Rizal. (MBalbuena)
- Latest
- Trending