^

PSN Palaro

SUSI SA GAME 3

GAME NA! - Bill Velasco -

Bukas na magwawakas ang NCAA men’s basketball season, sa pagdaos ng Game 3 sa pagitan ng defending champion San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers. Nakalusot ang JRU sa SBC noong Biyernes upang pilitin ang isang rubber match.

Hindi nalubos ng San Beda ang kanilang laki sa Game 2, dala na rin ng mga foul kina Sam Ekwe at JR Taganas. Naging manipis ang kanilang frontline, at nabigyan ng puwang ang mga malalaki ng JRU na umiskor sa fourth quarter. Mukhang nanibago rin ang rookie ng Red Lions na si Jake Pascual, dahil ngayon lang siya naging bahagi ng starting five sa Finals.

Sa panig naman ng Heavy Bombers, ginamit ng kanilang mga beterano ang kanilang karanasan upang makahanap ng mga butas sa depensa ng Red Lions. Bihirang gamitin ni coach Ariel Vanguardia ang kombinasyon ni JR Sena at Jay Nocom dahil madalas na sila ang nagpapalitan, subalit sa larong iyon, ang pasahan ng dalawa ang bumaklas sa doube-teaming ng Beda.

Para makuha ng San Beda ang kanilang threepeat, kailangang mamayani ang kanilang frontline sa rebounding. Noong Game 1, binugbog nila ang JRU, 49-33 sa rebounds. Pag hawak nila ang bola, nakakatakbo sila, at walang susi dito ang Jose Rizal.

Para sa JRU, depensa pa rin ang tawag ng pagkakataon. Sa higpit ng depensa sa mga guwardya ng SBC, hirap umiskor sina Borgie Hermida at lalo na si Pong Escobal, na nagmintis ng huling tira na magpapanalo sana sa Red Lions. Bagamat dapat ay gumagawa rin si Maui Pradas, ang halaga niya ay ang depensahan si Ogie Menor. Ang dating Finals MVP ang pumatay sa Mapua sa Final Four, subalit di niya kayang brasuhin si Pradas, at dito bumaba ang iskor niya sa serye.

Magkaiba rin ang estilo ng dalawang coach. Para kay Frankie Lim, may mga kombinasyon siyang ginamit sa Game Two na di gaanong naging epektibo, tulad ng pagsabay-sabay sa tatlong maliliit na sina Hermida, Escobal at Chico Tirona. Upang matipid naman ang lakas at foul ng kanyang starters, panandaliang ginamit ni Vanguardia ng paisa-isa sina Raycon Kabigting at John Lopez.

Siguradong magiging mas pisikal pa ang Game 3, at malamang ay may maitapon na player. Kulang pa ang outside shooting ng Jose Rizal, at hindi gumawa ang lider nitong si Mark Cagoco. Para sa San Beda, kailangang makakalas na si Menor para masagasaan ang depensa ng Heavy Bombers.

Siguradong giyera ito sa Araneta bukas.

ARIEL VANGUARDIA

BORGIE HERMIDA

CHICO TIRONA

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

GAME TWO

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with