Ateneo naka-doble, Blue Eaglets kampeon rin
Matapos ang nakaraang tagumpay sa seniors division ng UAAP men’s basketball championship noong Linggo, muling magdiriwang ang Ateneo matapos makopo ang junior crown sa UAAP basketball tournament kahapon.
Dinurog ng Blue Eaglets ang Far Eastern University matapos ang magaang 71-60 panalo para makumpleto ang 2-0 sweep sa best-of-three series sa The Arena sa San Juan.
“I’ll be lying if I’ll not say that I’m pressured after the seniors win. Everybody is expected us to win and I’m glad that the boys delivered,” ani Blue Eaglets mentor Jamike Jarin, na nanalo ng kanyang ikaanim na juniors title at ika-16th para sa Ateneo na umagaw ng seniors title sa karibal na De La Salle University na kanilang na-sweep sa 2-0 noong Linggo.
Tinanghal si Jayvee Dumrique na Finals MVP matapos ang kanyang 18 points, eight rebounds, three assists at two steals para sa Ateneo katulong sina Magic Tiongson at Kiefer Ravena na may pinagsamang 23 markers.
Sa women’s division, ipinukol ni Ihrine Rivera ang shotclock-beating jumper sa huling 1:02 minuto ng labanan nang igupo ng FEU Lady Tams ang University of the Philippines, 52-46.
Tumapos si Raisa Palmera ng 15 points, five rebounds at three steals habang ang Finals MVPna si Bernadette Mercado ay may 11 points at two steals para FEU na naka-sweep din ng best-of-three serye sa 2-0 para wakasan ang kanilang 10-taong pagkauhaw sa titulo.
(Womens).
- Latest
- Trending