Guiao, ipinagmamalaki ng Red Bull
“It’s long overdue. He deserves it and we’re proud and happy!”
Ito ang mga katagang binitiwan ni Red Bull Barako team owner George Chua hinggil sa pagnombra sa beteranong bench tactician na si Joseller ‘Yeng’ Guiao bilang national team coach ng Philippine Basketball Association nitong nakaraang Huwebes.
Pinalitan ng 49-anyos na si Guiao, kasalukuyang bise gobernado r ng Pampanga, nagsilbing assistant coach ni Derek Pumaren noong 1989 ABC championship sa Beijing China, si Talk N Text mentor Chot Reyes, na iginiya ang Philippines sa 9th place finish sa FIBA-Asia tournament nitong nakaraang taon sa Fukushima, Japan.
“It’s a big sacrifice on our part knowing that Yeng (Guiao) may not be able to devote his full time to our team, but we’re nevertheless elated because he’s going to perform his job in the interest of the Philippine basketball,” dagdag pa ni Chua.
Puring-puri pa rin ni Chua si Guiao bilang ‘architect’ ng Red Bull team sa kanilang mabilis na pagsikat at kompetitibong koponan sa PBA.
At sa nakalipas na siyam na taon, inihatid ni Guiao ang Red Bull sa pitong sunod na semifinal appearances sa walong kumperensiya na tinampukan ng kanilang pagwawagi sa tatlong importladen tournaments, kabilang ang back-to-back noong 2001 at 2002.
- Latest
- Trending