Sentro pinalakas, Borboran ipinamigay ng Air21
Ipinamigay ng Air21 ang University of the East standout na si Mark Borboran sa Alaska kahapon kapalit ni JR Quiñahan upang palakasin ang kanilang backup center at matugunan ang mahigpit na pangangailangan ng Express sa malalaking tao.
Nagsimula ang bangungot ng Express matapos na mawalis sila nitong Linggo ng mga matatangkad na manlalaro ng Singapore Slingers sa kanilang two-game exhibition series sa Singapore.
Ang Express ay kargado ng mga mahuhusay na kamador, subalit kapos naman sila sa post-up player at ito ang naging dahilan upang gawin ang nasabing trade sa pagitan nina Borboran at Quiñahan.
“We are very crowded at the wing spots and are lacking another post player. But we addressed that after securing the services of JR Quiñahan,” ani Air21 president at team manager na si Lito Alvarez. “We know both players could shine in their new teams now.”
Ang Air21 ay babanderahan ng mga forwards na sina Arwind Santos, last season’s Most Valuable Player runner-up, Gary David, come-backing JC Intal, Niño Canaleta at combo/guard newcomer na si Cholo Villanueva.
At sa pagkakapasok ni Quiñahan sa roster ng Express, makukuha na niya ang sapat na playing time--at makakasabayan niya ang kapwa niya slot-men na si Joe Devance at Erwin Sotto.
“When we have a dominating big man, like in the case of Shawn Daniels or a Steve Thomas, everything falls into place. We can run and our shooters are more comfortable because they know that somebody will take care of the rebounds,” wika naman ni Air21 coach Bo Perasol.
“We figured we can have a better chance in the All-Filipino if we will get an additional post player and Quiñahan is a good addition,” dagdag pa ni Perasol, ilang oras matapos na ang Express ay lumipad kahapon mula sa Singapore kung saan natalo sila ng dalawang laro sa Slingers, ang dating Australian league veterans.
Inilista ng Singapore Slingers ang 98-85 panalo sa Singapore Indoor Stadium kung saan nakakuha ang Express ng 25 puntos mula kay Homer Se.
- Latest
- Trending