Batang archer pumana ng 5 ginto
LOS BAÑOS-- Humakot ang Camarines Sur ng 11 gold medals sa archery sa pagbubukas ng 3rd Philippine Olympic Festival Bicol-Southern Tagalog qualifying leg kahapon sa University of the Philippines dito.
Nagbulsa si Kim Nelson Taugan ng limang golds sa boys’ cub division habang kumulekta si Ar-Jayson Esturas ng apat na ginto sa junior boys category para kunin ng Camarines Sur ang pangunguna.
Nanalo ang 13-gulang na si Taugan, sa 30 meters, 40 meters, 50 meters, Fita at Olympic-round events habang nagpakitang gilas naman ang 16-gulang na si Esturas sa 30 meters, 40 meters, 50 meters at Fita. Ang Olympic round ay pinagharian ng kanyang kababayang si King Albert San Juan.
At sa pagdomina ng event, tinalo ng mga Cam Sur archers, naka-enroll sa Cam Sur Sports Academy na itinayo ni governor L-Ray Villafuerte, tinalo nila ang Laguna at host UPLB sa boys’ team event.
Nakakuha ang UPLB ng dalawang golds sa archery matapos manguna sina Richard John Galagate at April Ladia sa senior men at women events habang nakopo ng Laguna ang kanilang unang gold sa Matthew Plaza sa boys’ cadet.
Nakopo naman ng Puerto Princesa ang kanilang unang gold sa paggupo sa Palawan, 21-13, 21-14 sa 17-and-above regu event sa torneong suportado ng Pagcor, ACCEL, Globe, Negros Navigation, Summit Mineral Water, Philippine Star, AMA Computer College at Creativity Lounge.
- Latest
- Trending