^

PSN Palaro

JRU o Letran sa No. 2?

-

Kanino mapupunta ang ikalawa at huling twice-to-beat ticket? Sino ang uupo sa huling slot ng Final Four?

Ito ang bibigyang kasagutan sa dalawang krusiyal na laban ngayon sa 84th NCAA seniors basketball playoffs sa Cuneta Astrodome.

Paglalabanan ng Jose Rizal University at ng Letran College ang No. 2 seeding na siyang may bentahe sa Final Four habang magsasagupa naman ang San Sebastian College-Recoletos at ang Mapua Institute of Technology para sa No. 4 slot.

Parang best-of-three na ito para sa Knights at Bombers dahil sila rin ang maghaharap sa Final Four at tinutukoy na lamang kung sino ang magtataglay ng twice-to-beat advantage.

Ang mananalo naman sa pagitan ng SSC Stags at MIT Cardinals ay siyang kakalabanin ng defending champion San Beda College.

Ang SBC Red Lions ay nagtapos bilang No. 1 sa eliminations at inangkin nila ang unang twice-to-beat ticket.

Tinalo ng Letran ang Mapua, 62-52 noong Lunes habang iginupo naman ng Jose Rizal ang San Sebastian, 57-53 para maitakda ang dalawang playoff matches na ito.

Kung sino man ang mananalo sa pagitan ng Jose Rizal at Letran, isang panalo na lamang ang kanilang kailangan tulad ng Bedans, upang makapasok sa finals.

Mangunguna sa Letran sina Dino Daa, Rey Guevarra, RJ Jazul at Kojack Melegrito habang sina JR Sena, Marc Cagoco, John Wilson at Maui Pradas naman ang babandera sa Jose Rizal.

Sa juniors stepladder semis sa alas-11:30 ng umaga, maghaharap ang No. 2 Letran Squires at No. 3 JRU Light Bombers sa knockout match upang matukoy kung sino ang haharapin ng three-time champion SSC-R Staglets sa best-of-three championship. (Mae B.)

CUNETA ASTRODOME

DINO DAA

FINAL FOUR

JOHN WILSON

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KOJACK MELEGRITO

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LETRAN SQUIRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with