Kasabay ng pagpa-yag ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa pagbuo ng kanilang ‘trilogy’, sinabi naman ni Mexican Juan Manuel Marquez na posibleng hindi na ito mangyari, sa ngayon.
“The third fight will probably not happen,” ani Marquez sa kanilang ikatlong pagtatagpo ni Pacquiao. “But I already proved I beat Manny Pacquiao. I did my job in the ring, now, Manny and Oscar have to do their part.”
Ayon sa 35-anyos na si Marquez, umiskor ng isang 11thround TKO kay Cuban Joel Casamayor sa kanyang unang pagakyat sa lightweight division kamakalawa, hihintayin muna niya ang resulta ng non-title welter-weight fight nina Pacquiao at Oscar Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Bago umalis patungong United States noong Linggo, sinabi ng 29-anyos na si Pacquiao na payag siyang makalaban muli si Marquez matapos agawin ang dating suot nitong World Boxing Council (WBC) super featherweight belt via split decision noong Marso 15.
“Ako ang tatayong promoter at kung papayag siya na maliit lamang ang kanyang premyo, lalabanan ko siya,” ani Pacquiao kay Marquez. “Anytime ay handa ako kahit akong oras pero dapat muna niyang patunayan na honor ang gusto niyang paglabanan. Kung hindi siya papayag sa iaalok ko sa kanya, ibig sabihin ay may nakukuha siyang malaking pera kapag ako ang kalaban niya. I’m willing to fight him any time.”
Isang draw ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang pagkikita ni Pacquiao noong Mayo ng 2004 bago ang split decision ni “Pacman” noong Marso 15 para maagaw kay “El Dinamita” ang suot nitong WBC super featherweight title. (Russell Cadayona)