Nakatakda ang dalawang importanteng laban ngayon na babasag ng four-way-tie para matukoy kung sino ang maglalaban para sa ikalawa at huling twice-to-beat ticket patungo sa Final Four ng 84th NCAA seniors basketball tournament.
Magsasagupa ang San Sebastian College at Jose Rizal sa unang laro habang ang Letran College at Mapua naman ang magpapanagpo sa alas-4:00 ng hapon.
Ang mananalo sa dalawang sagupaang ito ay muling maghaharap para sa ikalawa at huling twice-to-beat slot. Ang matatalo ay ookupa ng No. 3 kaya sila rin ang maghaharap sa Final Four.
Ang mga talunan naman ay muling maghaharap para sa ikaapat at huling final slot at ang defending champion San Beda College naman ang kanilang haharapin sa Final Four. Nauna na ang Red Lions sa semis bilang No. 1 team sa eliminations. (MBalbuena)